Out of Order: Kalbaryo ng VP for Finance sa Hyundai-Phi... - Abante Online

May 15 taon nang nagtatrabaho sa HARI si Caganap at dahil sa angking talino at sipag sa trabaho ay narating niya ang kanyang posisyon mula sa pagiging ordinaryong empleyado ng kumpanya. Boss ni Caganap ang chief finance officer (CFO) ng HARI na si Gener Gatchalian na sinasabing isa sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng may-ari ng HARI na si Richard Lee mula nang itatag ang kumpanya noong 2001. Ang finance department ng HARI na... Para sa mga hindi nakakaalam, ang HARI ang local distributor ng Korean-made Hyundai vehicles gaya ng Starex, Santa Fe, Tucson, Genesis, Sonata at Accent. Nagbitiw kamakailan si Gatchalian bilang CFO ng HARI at kasabay nito ay ang pagkakatalaga kay Ma. Fe Agudo bilang president and Chief Executive Officer (CEO) ng kumpanya. Hindi alam ni Caganap na ang pagbibitiw ng kanyang boss na si Gatchalian ang simula ng kanyang kalbaryo sa ilalim ng administrasyon ni Agudo bilang President and CEO. Pagbalik ni Caganap sa HARI office ay agad siyang pinatawag ni Agudo at sinabihang mag-resign na lang siya kung hindi niya kaya ang tindi ng kanyang trabaho bilang VP for finance. “Kaya, kaya ng dibdib mo. ,” ang sabi ni Agudo kay Caganap sabay utos na maghain na siya ng resignation letter at i-turn over na niya ang lahat ng kanyang files sa finance department. Source: www.abante.com.ph